Kung
ikaw ay palaging hirap sa pagtulog o kaya naman ay palaging nananaginip ng
hindi maganda, subukan mo ang mga sumusunod na tips at baka sakaling ma-achieve
mo ang good night sleep.
1. Linisin ang paligid ng tulugan
Kung
nakagawian mo nang linisin ang iyong katawan bago ka matulog, dapat ay
nililinis mo rin ang paligid na iyong tutulugan. Lalo na ang iyong hihigaan at
gagamitin sa pagtulog gaya ng unan at kumot. Dapat ang mga ito ay laging
malinis. Kung marumi ang paligid mo at naaamoy mo ang hindi magandang amoy ng
iyong mga gamit sa higaan, ito ay magdudulot sa’yo ng pagkabalisa sa pagtulog.
2. Payapain ang isip
Sa
oras ng pagtulog, dapat mong isipin na ikaw ay kailangan ng magpahinga. Ibig
sabihin ay kailangan mo ng ipayapa ang iyong isip at kalimutan muna ang stress
ng nagdaang maghapon. Maaari kang mag-isip ng magagandang bagay na alam mong
makakapagparelax sa isip mo upang ang iyong pagtulog ay maging magaan at
mahimbing.
3. Makinig sa musika
Isa
sa pinakamabisang pamparelax sa pagtulog ay ang pakikinig ng musika. Iyong mga
mellow music na magdadala sa’yo sa isang malawak na imahinasyon. Yung tipong
iduduyan ka sa lambing ng mga tinig hanggang sa ikaw ay mapahimbing.

Comments
Post a Comment