Ni: Blue Butterfly
1. Alisin ang mga bagay na
makapagpapaalala sa kanya
Kung
talang gusto mo na siyang makalimutan, dapat mong alisin ang mga bagay na
nakapagpapaalala sa kanya. Halimbawa ay mga photos ninyong dalawa, mga
souvenirs ng pinuntahan nyong lugar, mga regalo mula sa kanya at kung anu-ano pa. Pwede mo itong
itapon, sunugin o kaya naman ay itago na lang sa isang safe na lugar na hindi
mo laging nakikita.
2. Magfocus sa trabaho
Kung
okay ka naman sa trabaho, mas makakabuti kung magfofocus ka dito. Lalo na kung
may mga problema ka ring kinakaharap sa work ay pwedeng dito mo ibaling ang
atensyon mo sa pagresolba ng problema sa trabaho at kung paano mo pa ito
mapaghuhusayan. Kapag isinubsob mo ang sarili sa trabaho ay malaki ang
posibilidad na mabawasan ang bigat na dinadala mo.
3. Makipagbonding sa mga kaibigan
Isang
mabisang paraan din ang pakikipagbonding sa mga kaibigan. Lalo na sa mga
kaibigan na hindi boring kasama, yung tipong patatawanin ka sa buong oras na
magkakasama kayo at hindi hahayaan na maging malungkot ang araw mo. Yung mga
kaibigan na nakakaintindi sa pinagdaraanan mo.
4. Tumuklas ng mga bagong bagay
Kung
naitago mo na ang mga bagay na makapagpapaalala sa kanya, nagawa mo na ring
ituon ang atensyon mo sa trabaho at nakipagbonding to the max ka na rin sa mga
beshies mo pero still, ay hindi ka pa rin maka move on, subukan mo namang
tumuklas ng mga bagong bagay o gawain na pwede mong pag-interesan. Like new
sports o kaya ay travel adventure with your family.
Marami
kang pwedeng gawin para makapagmove on. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga
ito. Kaya tigilan na ang pagmumukmok dahil lalamunin ka lang ng lungkot. Hindi
rin kailangan na agad humanap ng kapalit dahil baka ang idulot nito ay doble
pang sakit. Just stand up and think positive.

Comments
Post a Comment