Kung ikaw ay palaging hirap sa pagtulog o kaya naman ay palaging nananaginip ng hindi maganda, subukan mo ang mga sumusunod na tips at baka sakaling ma-achieve mo ang good night sleep. 1. Linisin ang paligid ng tulugan Kung nakagawian mo nang linisin ang iyong katawan bago ka matulog, dapat ay nililinis mo rin ang paligid na iyong tutulugan. Lalo na ang iyong hihigaan at gagamitin sa pagtulog gaya ng unan at kumot. Dapat ang mga ito ay laging malinis. Kung marumi ang paligid mo at naaamoy mo ang hindi magandang amoy ng iyong mga gamit sa higaan, ito ay magdudulot sa’yo ng pagkabalisa sa pagtulog. 2. Payapain ang isip Sa oras ng pagtulog, dapat mong isipin na ikaw ay kailangan ng magpahinga. Ibig sabihin ay kailangan mo ng ipayapa ang iyong isip at kalimutan muna ang stress ng nagdaang maghapon. Maaari kang mag-isip ng magagandang bagay na alam mong makakapagparelax sa isip mo upang ang iyong pagtulog ay maging magaan at mahimbing. 3. Makinig sa m...