Skip to main content

2 GOLD MEDALS, PUNTIRYA NG PH BILLIARDS AT SNOOKER TEAM SA SEA GAMES


May paglalagyan ang mga makakalaban ng Philippine billiards at snooker team sa 30thSoutheast Asian Games sa Nobyembre.Puntirya ng Pinoy na malagpasan ang dalawang gintong nakamit sa nakalipas na edisyon ng SEAG, sa pagbuo ng pinakamalakas na koponan na kinabibilangan nina Efren “Bata” Reyes, at Francisco ‘Django’ Bustamante.
Kasama rin sa koponan sina two-time World champion Dennis Orcollo, two-time WPA Women’s 10-ball title holder Rubilen Amit, at Carlo Biado.
Asam ni Biado, 2017 world 9-Ball winner, na maitala ang repeat sa titulong napagwagihan niya noong 2017 Southeast Asian Games.
Sa edad na 38, nananatiling masigla at matikas ang pagtumbok ni Amit na sasabak sa SEA Games 8-Ball and 9-Ball events, kung kaya’t walang puwang ang kabiguan sa kanilang laban.
“All of us have played in almost all of the toughest and most prestigious tournaments I golbl stage since the smoke battle in 2017 in Kuala Lumpur had extinguished, so there’s no reason for us not to surpass our showing the last time around,” pahayag ni Amit sa panayam ng SCOOP On Air Forum.
Kumpiyansa si Amit na madodomina ng Pinoy cue artists ang 10-event pool disciplines (men’a and women’s 8-Ball singles and doubles, 9- Ball singles and doubles, and 10-Ball singles and doubles).
“Traditionally, we are strong in those events. Dito sa mga event na ito tayo madalas manalo, kahit na sa Asian and World Championships, “ pahayag niAmit.
“Kaya dito tayo malamang hahakot ng medalya,” aniya.

Comments