Skip to main content

Posts

TIPS FOR A GOOD NIGHT SLEEP Ni: Blue Butterfly

Kung ikaw ay palaging hirap sa pagtulog o kaya naman ay palaging nananaginip ng hindi maganda, subukan mo ang mga sumusunod na tips at baka sakaling ma-achieve mo ang good night sleep. 1.  Linisin ang paligid ng tulugan Kung nakagawian mo nang linisin ang iyong katawan bago ka matulog, dapat ay nililinis mo rin ang paligid na iyong tutulugan. Lalo na ang iyong hihigaan at gagamitin sa pagtulog gaya ng unan at kumot. Dapat ang mga ito ay laging malinis. Kung marumi ang paligid mo at naaamoy mo ang hindi magandang amoy ng iyong mga gamit sa higaan, ito ay magdudulot sa’yo ng pagkabalisa sa pagtulog. 2.  Payapain ang isip Sa oras ng pagtulog, dapat mong isipin na ikaw ay kailangan ng magpahinga. Ibig sabihin ay kailangan mo ng ipayapa ang iyong isip at kalimutan muna ang stress ng nagdaang maghapon. Maaari kang mag-isip ng magagandang bagay na alam mong makakapagparelax sa isip mo upang ang iyong pagtulog ay maging magaan at mahimbing. 3.  Makinig sa m...
Recent posts

SIMPLENG PARAAN PARA MAKA-MOVE ON (Ni: Blue Butterfly)

Ni: Blue Butterfly 1. Alisin ang mga bagay na makapagpapaalala sa kanya Kung talang gusto mo na siyang makalimutan, dapat mong alisin ang mga bagay na nakapagpapaalala sa kanya. Halimbawa ay mga photos ninyong dalawa, mga souvenirs ng pinuntahan nyong lugar, mga regalo mula   sa kanya at kung anu-ano pa. Pwede mo itong itapon, sunugin o kaya naman ay itago na lang sa isang safe na lugar na hindi mo laging nakikita. 2. Magfocus sa trabaho Kung okay ka naman sa trabaho, mas makakabuti kung magfofocus ka dito. Lalo na kung may mga problema ka ring kinakaharap sa work ay pwedeng dito mo ibaling ang atensyon mo sa pagresolba ng problema sa trabaho at kung paano mo pa ito mapaghuhusayan. Kapag isinubsob mo ang sarili sa trabaho ay malaki ang posibilidad na mabawasan ang bigat na dinadala mo. 3. Makipagbonding sa mga kaibigan Isang mabisang paraan din ang pakikipagbonding sa mga kaibigan. Lalo na sa mga kaibigan na hindi boring kasama, yung tipong patatawanin k...

MENORAH CANDELABRA NI MARILYN MONROE, $150,000 ANG HALAGA

Posible umanong kumita ng $150,000 o mahigit P7-milyon sa subastahan ang menorah candelabra na dating pag-aari ng screen icon na si Marilyn Monroe.Si Monroe, na sex symbol noong dekada 50 ay nagpa-convert sa Judaism nang pakasalan nito ang playwright na si Arthur Miller. Ayon sa Jewish Museum sa New York, pinag-aralan ni Monroe ang Judaic texts sa tulong ng family rabbi ng mga Miller na si Robert E. Goldburg. Sa isa namang pahayag, sinabi ng auctioneers na Kestenbaum & Co. na ang brass-plated menorah ay regalo kay Monroe ng mga magulang ni Miller na sina Augusta at Isidore, at nasa pag-aari pa rin ni Monroe nang pumanaw ito noong 1962. Naibenta naman ito sa isang private collector 20 taon na ang nakalilipas sa isang auction. “Marilyn Monroe’s spellbinding magnetism knows no bounds. We are thrilled to be able to offer Marilyn’s personal Menorah at auction next week,” wika ni Daniel Kestenbaum, director ng auction house. Nakatakdang ibenta ang menorah sa Nobyembre 7 sa...

2 GOLD MEDALS, PUNTIRYA NG PH BILLIARDS AT SNOOKER TEAM SA SEA GAMES

May paglalagyan ang mga makakalaban ng Philippine billiards at snooker team sa 30thSoutheast Asian Games sa Nobyembre. Puntirya ng Pinoy na malagpasan ang dalawang gintong nakamit sa nakalipas na edisyon ng SEAG, sa pagbuo ng pinakamalakas na koponan na kinabibilangan nina Efren “Bata” Reyes, at Francisco ‘Django’ Bustamante. Kasama rin sa koponan sina two-time World champion Dennis Orcollo, two-time WPA Women’s 10-ball title holder Rubilen Amit, at Carlo Biado. Asam ni Biado, 2017 world 9-Ball winner, na maitala ang repeat sa titulong napagwagihan niya noong 2017 Southeast Asian Games. Sa edad na 38, nananatiling masigla at matikas ang pagtumbok ni Amit na sasabak sa SEA Games 8-Ball and 9-Ball events, kung kaya’t walang puwang ang kabiguan sa kanilang laban. “All of us have played in almost all of the toughest and most prestigious tournaments I golbl stage since the smoke battle in 2017 in Kuala Lumpur had extinguished, so there’s no reason for us not to surpass our showin...